Wednesday, May 30, 2012

Bagong pamilya

Ang nakaraang linggo ay isang napakahabang linggo.


Ang daming nangyari. Natutuwa akong makilala ang pamilya ng aking Tito Rene. Naging mabuti sila sa akin at kay Ryan. Salamat po Tito Rene at hinayaan mo akong maging miyembro ng iyong pamilya.

Napakasaya ko rin na pagkatapos ng halos tatlong dekada ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama ang aking Tita Elvi. Salamat sa pagmamahal mo sa akin at kay Ryan. Di mo man sabihin, nararamdaman kong mahal mo kami. Salamat sa lahat ng payo at umaasa akong magkaroon ulit ng pagkakataon na makasama ka pa ng matagal.

Nagpapasalamat din ako sa mga miyembro ng Cornerstone Baptist Church - Mawaque sa napaka init na pagtanggap sa min ni Tita Elvi lalo na sa kin na noon pa lamang nila nakasama.

Salamat po sa inyo!

Kay Nanay Remy at sa kanyang kabiyak na nagpatuloy sa amin sa kanilang napakagandang tahanan. Salamat din po sa pagsundo at paghatid sa amin gamit ang inyong sasakyan. 

Kay Kuya Boyet at kabiyak na si Ate Jing at mga anak na AJ at CJ, salamat sa pagpapatuloy sa inyong tahanan.

Kay Ate Aida at Ate Baby, salamat po sa masarap na pagkain na inyong inihanda.

Kay Ate Glo, salamat po sa napakasarap na puto

Kay Ate Rita, Louie Ann, Ian, Moymoy, salamat po sa masarap na dinner

Kay Nanay Yolly at Kuya Nolly, maraming salamat po sa pag aalaga sa aking Lola.

At sa lahat po ng bumubuo ng inyong iglesia, maraming salamat po!



Para kay Michelle at Mutya na nawalan ng minamahal sa buhay, dalangin ko na matagpuan mo ang kamay ng Diyos sa panahon ng inyong kalungkutan at pagdadalamhati. Lalong pagtibayin ang inyong pananampalataya sa panahon ng mga pagsubok at suliranin. 


No comments:

Post a Comment