Sunday, July 22, 2012

Sariling bahay at buhay!

Nagkaroon ka na ba ng isang bagay na lubos mong ipinapanalangin? Na parang wala nang iba pang mahihiling ang puso mo kung hindi iyong bagay na iyon? Napakaraming gusto ng tao. Kadalasan mga materyal na bagay. Ngunit maaari rin namang kagalingan ng isang maysakit, maayos na relasyon sa pamilya, makapagtapos ng pag aaral ang mga anak, humaba pa ang buhay, magkaroon ng mas malalim na pananampalataya sa Diyos, o maging masaya.

AKO. Bukod sa napakaraming bagay na araw araw kong ipinapanalangin, mayroong isang bagay na talagang hinihiling ko sa Diyos:


Ang magkaroon ng sariling bahay.

Sariling bahay para sa aming mag asawa. Naniniwala ako na kapag ang mag asawa ay may sariling bahay, nagkakaroon sila ng sariling buhay na siya naman talagang dapat.

Ang sabi ng aking Tita Elvie: Leave and Cleave!

Ito ay base sa sinasabi sa Bibliya (Genesis 2:24):

For this reason a man will leave his father and mother and be united to his wife, and they will become one flesh.

Kaya't iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at sila'y magiging isang laman.

Nais kong magkaroon kami ng sariling bahay at buhay ng aking asawa upang matuto kaming tumayo sa sariling naming mga paa. Nasabi ko na ito sa nakaraang kong isinulat, nais ko lang ulitin na sa dalawampu't walong taon ng buhay ko, natutunan kong huwag umasa sa ibang tao. Hindi ako ng klase ng tao ng iaasa sa iba ang aking buhay. Upang makatayo kami sa aming sariling paa ng aking asawa, naniniwala ako na mangyayari ito kung magkakaroon kami ng sariling tahanan na kami ang bubuo kasama ang aming magiging mga anak.

Sa pagdating ng panahon na ang aming mga anak ay magkakaroon na rin ng pamilya, lubos kong mauunawaan kung kakailanganin nila kaming iwan at magkaroon ng sariling bahay at buhay.

Nagtitiwala ako sa Diyos na sa lalong madaling panahon ay mangyayari rin ito. Ang aming panalangin na mag asawa ay matutugunan. Sumasaya ang puso ko isipin pa lamang na kami ay may sarili nang bahay. Na ang asawa ko ang magiging pundasyon at ako ang ilaw. Bahay na kaming dalawa lamang ang namumuno. Bahay na galing sa aming pagpapagal sa paghahanapbuhay. Bahay na matatawag namin na sa amin. Walang dapat pakisamahan. Malaya. Masaya. Hindi umaasa.

At habang hinihintay namin ang katugunan sa aming panalangin, lagi naming iniisip ang sinabi sa Awit 46:10:

Tumahimik kayo at alamin na ako ang Diyos


Be still and know that I am God

Naniniwala ako na malapit na dumating ang araw na ito, na kami ay magkakaroon na ng sariling BAHAY AT BUHAY sapagkat ito ang pangako at nais ng Diyos! :)

Isang mapagpalang Linggo!



-- I just wanted to share this from http://www.gotquestions.org/leave-and-cleave.html

As recorded in Genesis chapter 2, God created Adam first, and then Eve. God Himself brought Eve to Adam. God Himself ordained that they would be joined together in holy matrimony. He said that the two of them would become one flesh. This is a picture of marital intimacy—the act of love that is never to involve anyone else. To “cleave” means “to adhere to, stick to, or join with.” It is a unique joining of two people into one entity. It means we do not quit when things are not going right. It includes talking things out, praying things through, being patient as you trust God to work in both of your hearts, being willing to admit when you are wrong and asking forgiveness, and seeking God's counsel regularly in His Word.

If either spouse fails to both leave and cleave, problems will result in a marriage. If spouses refuse to truly leave their parents, conflict and stress result. Leaving your parents does not mean ignoring them or not spending any time with them. Leaving your parents means recognizing that your marriage created a new family and that this new family must be a higher priority than your previous family. If spouses neglect to cleave to each other, the result is a lack of intimacy and unity. Cleaving to your spouse does not mean being with your spouse every moment or not having meaningful friendships outside of your marriage. Cleaving to your spouse means recognizing that you are joined, essentially “glued,” to your spouse. Cleaving is key in building a marriage that will endure hard times and be the beautiful relationship that God intends it to be.

The “leave and cleave” in the marriage bond is also a picture of the union God wants us to have with Him. “Ye shall walk after the LORD your God, and fear him, and keep his commandments, and obey his voice, and ye shall serve him, and cleave unto him” (Deuteronomy 13:4 KJV). It means we leave all other gods, whatever form they may take, and join to Him alone as our God. We cleave to Him as we read His Word and submit to His authority over us. Then, as we follow Him closely, we find that His instruction to leave father and mother in order to cleave to our spouse is to discover commitment and security, just as He intended. God takes His design for marriage seriously. Leaving and cleaving is God’s plan for those who marry. When we follow God’s plan, we are never disappointed.


No comments:

Post a Comment